Sunday, July 21, 2013

Okay Lang Ako.

Siyempre ako nanaman yung may mali, yung may kasalanan. Napaka-unreasonable ko kasi, mababaw, at mahirap intindihin. Sorry ha? Hindi ko kasi kayang ipaliwanag nang maayos sarili ko. At tuwing susubukan ko naman, wala namang nakakaintindi sa'kin. Ayoko lang naman makaabala pa sa'yo. Ayokong magmukhang laging nakaasa sa'yo. Eh wala eh, sa kagustuhan kong mapabuti at makauwi nang safe nang mas mabilis at wala nang naaabalang iba pang tao, ako pa'rin yung wala sa lugar. Aminado naman ako na may mali ako eh. Na 'di ko napaalam agad sa'yo. Oo nga naman, may usapan tayo. Napatanga tuloy kita at napaghintay sa wala. 'di ko naman intensiyon 'yon eh. Ngarag lang talaga yung utak ko dahil hindi ko alam kung paano makakauwi at nung tinext naman kita, ang tagal bago mo ako nareplyan. Hihintayin pa ba kita sa ganong lagay? Malaki na ako eh, kaya ko nang dumiskarte sa sarili ko dapat. Kaya sinubukan kong tumayo sa sarili kong paa at nilakasan ko yung loob ko. 

Siyempre hindi mo nanaman ako maiintindihan. Malabo ako eh. Ikaw ba, ni minsan, hindi ka nawala sa sarili mo at dumating sa point na 'di mo na naisip na naghihintay din ako? 'Yung pakiramdam nung iniwan mo nalang ako bigla at nagtext ka na nauna ka na, at itext nalang kita kung nakauwi na ako? Na buong akala ko noong araw na 'yon eh may lakad pa tayo. Tapos kinagabihan sasabihin mo sa'kin na akala mo susunod ako sa'yo. Matapos mo akong sabihan na magtext nalang ako pag nasa bahay na ako? 

Hindi ko alam. Pinipilit din naman kitang intindihin. Pero ngayon, nakakapagod lang. 'Yung pakiramdam na hindi na kasi okay ang lahat sa ibang aspeto ng buhay ko tapos dadagdag ka pa. Hindi kita sinisisi pero nakakabigla lang talaga. Itutulog ko nalang 'to. 

0 comments:

Post a Comment